Sama-samang Pagkilos para sa Pagpapalapit ng Hustisya* ni Punong Mahistrado Reynato S. Puno
Korte Suprema
Una sa lahat, nais ko pong magpasalamat sa Bagong Alyansang
Makabayan o BAYAN, sa National Union of Peoples’ Lawyers at sa mga iba
pa nating kasama rito, sa inyong pagtugon sa ating katatapos pa lamang na
Forum on Increasing Access to Justice: Bridging Gaps and Removing
Roadblocks.
Umani ang nasabing pagpupulong ng mga mungkahi buhat sa iba't
ibang stakeholders ng ating justice system, partikular sa hanay ng mga
mahihirap at abang sektor ng lipunan hinggil sa kanilang mga hinaing
tungkol sa access to justice.
Kabilang sa mga rekomendasyon na nakalap buhat sa ginanap na
Forum ay ang paglibre o hindi pagsali sa pagbabayad ng docket fees, bail
bonds o piyansa sa mga espesyal na kaso ng mga marginalized sectors,
kabilang na ang mga kapatid nating indigenous peoples o mga katutubo.
Ang isa namang panukala ay ang pagpapababa ng mga bayad para sa
paghain ng habla sa ating mga korte, ang pagbawas sa bilang ng hinihinging
kopya ng mga pleadings o papeles na inihahain sa korte, at ang pagbawal sa
pagbenta ng mga transcript of stenographic notes (TSN) nang kada pahina
dahil na rin sa dagdag gastos na dulot nito.
* Kabuhayan, Karapatan, Katarungan: A Forum on Economic, Social and Cultural
Rights sponsored by BAYAN, NUPL & the University Student Council People’s
Struggle Committee, Malcolm Hall, U.P. College of Law, August 28, 2008.
2
Iminungkahi rin ng mga lumahok sa Forum ang pagtatatag ng mga
legal clinic na mayroong mga programang naglalayong maiangat ang antas
ng kaalaman ng mga mahihirap at mga komunidad, at ang
pakikipagtulungan sa Public Attorney's Office, Commission on Human
Rights, at Integrated Bar of the Philippines upang lalong matupad ang
layuning ito.
Sa nasabing Forum, hiningi rin ang tulong ng korte upang ibsan ang
mga suliraning dulot ng language barrier o balakid na dala ng pagkakaiba sa
wika o pananalita lalo na ng mga indigenous peoples o mga katutubo at ng
mga tagapagpatupad ng batas, mga abogado, at mga huwes.
Marami pa pong mga mungkahi ang inani ng Forum na ito at ang iba
ay dapat bigyan ng aksyon ng ibang sangay ng ating pamahalaan. Sa
kasalukuyan, pinag-aaralan nang mabuti ng Korte Suprema ang natanggap
na mga mungkahi na nasa kapangyarihan nito para tugunan.
Susuriin din po namin ang mga kaisipan na lumutang sa inyong
pulong ngayong umaga. Katulad ng mga nabanggit kanina ng National
Union of Peoples’ Lawyers o ng National Federation of Small Fisherfolk
Organizations in the Philippines, ng Kalikasan People’s Network for the
Environment, ng Salinlahi o Alliance for Children’s Concern, at ng iba pa
nating mga kasama ngayon, pag-aaralan namin ang pag-amyenda sa
pamamaraan ng mga hukuman upang tugunan ang nasabing SLAPP cases o
Strategic Lawsuit Against Public Participation na ginagamit upang ligaligin,
3
guluhin, at pigilin ang mga nagtataguyod ng mga karapatang konstitusyonal
na pang-ekonomiya, pang-pamayanan, at pang-kultura. Kasama na rin dito
ang SLAPPBack action para sa bayad-pinsala laban sa mga nagharap ng
SLAPP cases na napawalang saysay. Pag-aaralan din namin ang mga
pamamaraan sa iba’t-ibang lugar sa Amerika, Canada, at Europa, kung saan
hango ang SLAPP cases at SLAPPBack actions.
Aming sinusuri din ang pagbibigay-luwag sa mga alituntunin ng mga
hukuman upang ang mga karaniwang mangingisda at kanilang mga
organisasyon ay payagang tumayo bilang mga complainants sa mga kasong
may kinalaman sa pangingisda at sa kalikasan; ang pagpapahintulot sa
paghain ng torture cases sa kahit saang hukuman, nang hindi kailangang
isaalang-alang ang tirahan ng defendant; ang pagpapalawak sa saklaw ng
Writ of Amparo sa pamamagitan ng pagsasailalim rin sa proteksyon nito ng
mga karapatang pang-ekonomiya, pang-pamayanan, at pang-kultura,
kabilang na ang proteksyon laban sa demolisyon at ang pagpapalapit ng mga
iba pang judicial structures sa mga kapos-palad.
Kanina ay binabasa ko iyong Philippine Daily Inquirer. Doon sa
pahina 7 ay sinasabi: “CHR sees big drop in Extra Legal Killings.” Ang
sabi ni Chairperson Leila de Lima ay ito: “Overall there has been a very
significant drop in the incidence of extra-judicial killings by as much as 70%
from 2007-2008 compared to the 2005-2006 period.” The news item also
quoted Philip Alston, who “noted improvement in the situation after the
Supreme Court introduced new rules that force the army to go beyond
denials and probe allegations against troops and produce evidence.”
4
Habang pinag-aaralan ang mga iba’t ibang mungkahing ito, ang
inyong Korte Supreme ay ipinatutupad na ang ibang mungkahing maaari
nang ipatupad. Isa sa mga hakbang na ito ay ang pagbibigay ng panibagong
sigla sa proyektong Justice on Wheels.
Ang Justice on Wheels ay isang malaking bus na maaring maging
dalawang hukuman. Ang mobile court system na ito ay itinatag upang
tulungang mailapit ang hustisya sa mga kapatid nating mahihirap. Kasama
sa mga layuning ng mobile court system ang makapagbigay ng mabilis at
libreng solusyon sa mga usaping legal sa pamamagitan ng conciliation,
mediation, o adjudication.
Sa ngayon, ang mga mobile courts na ito ay ipinadadala sa mga pook
kung saan napakaraming kaso sa mga hukuman, upang makatulong sa
mabilis na pag-usad ng mga kaso ng mga mahihirap nating kababayan. Ang
mobile courts na ito ay ipinadadala din sa mga munisipalidad na walang mga
regular na korte, sa mga detention centers, at mga youth reception centers.
Dinadala rin ang mobile courts na ito sa mga lalawigan kung saan malayo
ang mga hukuman sa mga litigante.
Nitong Enero ng taong ito, ang Mobile Court Annexed Mediation
System ay dinala natin sa Taytay, Cainta, Antipolo, at San Mateo sa
lalawigan ng Rizal; at sa San Jose Del Monte, Pandi, at Baliuag sa lalawigan
naman ng Bulacan. Naging maganda ang nagawa ng ating mobile courts.
Sa isang libo, apat na raan at limampu't pitong (1,454) kaso na sumailalim sa
kanilang mediation, isang libo, tatlong daan at dalawampu't siyam (1,329) sa
5
mga ito ang matagumpay na naresolbahan – nagtala ng walumpu't limang
porsyento o eighty-five percent (85%) na success rate.
Noong nakaraang buwan, ang Justice on Wheels ay ipinadala sa
Manila City Jail at Manila Youth Reception Center upang mapabilis ang
pagdinig sa kaso ng mga nakapiit doon. Nang araw din na iyon, labindalawa
sa mga nakapiit ang pinalaya buhat sa city jail, samantalang lima naman ang
iniutos na pawalan mula sa pangagalaga ng youth facility. Naibigan ni
Mayor Lim ang ginawa ng Justice on Wheels kaya’t sa susunod na linggo ay
magkakaloob sila ng dalawang bus upang mapalakas ang ating Justice on
Wheels Program.
Sa buwan na ito, tinungo ng Justice on Wheels ang Caloocan City
Jail, kung saan tatlumpu't siyam (39) na mga bilanggo ang pinalaya. Ayon
sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ang Caloocan City
Jail ang may pinakamabigat at pinakamaraming bilang ng mga kaso sa
National Capital Region (NCR), at tinatayang mayroon ditong isang libo
anim na raan at dalawampu't walong (1,628) bilanggo.
Dinala rin ang Justice on Wheels sa Quezon City, kung saan duminig
ito ng may isandaang (100) kaso ng mga bilanggo. Dalawampu't siyam (29)
na mga bilanggo ang pinawalan matapos dinggin ang kanilang mga kaso. Sa
tulong ng Pamahalaang Lungsod, nagsagawa rin doon ng inspeksyon ng mga
piitan at naghatid ng serbisyong medikal-dental ang volunteer doctors at
mga dentista ni Mayor Belmonte.
6
Dinala rin namin ang Justice on Wheels sa Visayas, doon sa Cebu
Provincial Jail. Pitumpu't isang (71) bilanggo ang napalaya nang tapusin
ang kanilang mga kaso. Samantala, isang libo pitong daan at animnapu't
dalawang (1,762) bilanggong may karamdaman ang nilapatan ng lunas sa
pagbisita ng mga doktor na kasama ng Justice on Wheels.
Dinala rin namin ang Justice on Wheels sa Kalibo, sa lalawigan ng
Aklan, na naitalang pinakamalubhang nasalanta ng nagdaang bagyong
Frank. Tumigil ang mga gulong ng hustisya doon nang liparin ng malakas
na hangin ang bubong mismo ng ating Hall of Justice at bahain ang court
records. Ipinadala roon ang mobile court upang duminig ng mga kasong
nakabinbin habang ang ating mga korte ay humahanap ng kanilang
paglilipatan.
Sa susunod pong linggo ay dadalhin namin ang ating Justice on
Wheels sa Mindanao naman. Pupunta ito sa Davao del Sur, Davao del Norte
at sa Saranggani. Mayroong nagpapayo na huwag munang dalhin ang
Justice on Wheels sa Mindanao dahil sa nangyayaring gusot doon. Sa aming
palagay, ito ay hindi sapat na dahilan upang ang ating Justice on Wheels ay
tumigil sa paghahatid ng mabilis na hustisya sa ating mga kababayan sa
Mindanao. Justice does not stop even at the sound of gunfire.
Isina-pinal na rin po noong ika-dalawampu't tatlo (23) ng Hunyo ng
Supreme Court Technical Working Group ang balangkas ng Rule of
Procedure for Small Claims Cases. Sa ilalim ng panuntunang ito, pipili ang
Korte Suprema ng pilot courts kung saan maaaring idulog ang mga maliliit
7
na usaping legal na karaniwang kinasasangkutan ng mga mahihirap at hindi
na nangangailangan ng legal representation at masalimuot na rules of
procedure. Sa pamamagitan ng sistemang ito, mailalapit ang mabilis na
hustisya sa mga tao, lalo na sa mga kapos-palad na hindi kayang tustusan
ang napakamahal na halaga ng mga paglilitis, lalung-lalo na ang mabagal na
paglilitis. Saklaw ng Rule na ito ang mga kasong sibil na nakahain sa firstlevel
courts na may kinalaman sa salapi, kung saan ang halaga ng claim ay
hindi hihigit sa isandaang libong piso (Php100,000).
Ang mga small claims courts ay matatagpuan, at tunay na
nagtagumpay, sa mga bansang Australia, Canada, Ireland, Israel, New
Zealand, South Africa, Hong Kong, Singapore, United Kingdom, at United
States. Nais nating dalhin sa ating bansa ang tagumpay ng mga small claims
courts upang ibsan ang napakarami at tumataas pang bilang ng mga kaso sa
ating hukuman, at upang bigyan ang ating mga kababayan -- lalo na ang
mahihirap -- ng pag-asa sa kanilang paghahangad na makamtan ang mabilis
na hustisya.
Sa kasalukuyan, hawak na ng Supreme Court en banc ang balangkas
ng Rule na ito hinggil sa small claims courts, at inaasahan kong mai-propromulgate
ito sa lalong madaling panahon.
Ito ay ilan lamang sa mga ginagawa at patuloy na pinag-aaralan ng
ating Korte Suprema upang mailapit ang hustisya sa ating mga kababayan at
upang mabigyan ng buhay ang kanilang social and economic rights.
Gayunpaman, kami sa Korte Suprema ay isa lamang sa mga sangay ng
8
pamahalaan na dapat tumugon sa pagtataguyod ng socio-economic rights ng
ating mga kababayan. Kaya naman tinatawagan namin ang iba pang mga
sektor ng lipunan upang tumulong at makilahok sa ating laban upang
mabigyang katuturan ang pagnanais na pagkakapantay-pantay ng mga
mahihirap sa ating bansa. Nawa'y marami pa ang tumugon at sa kanikanilang
mga paraan ay makatulong upang maiangat ang kalagayan ng mga
nangangailangan gaya ng ginagawa ninyo ngayon. Ang inyo pong Korte
Suprema ay maaasahan ninyo na gagawa ng lahat na kaya nitong gawin
upang ang “social justice” na isang mandato ng ating Saligang Batas ay
magkaroon ng saysay sa buhay ng ating mga kababayan.
Maraming salamat at mabuhay kayong lahat.
Posted on 22 Sep 2008